Wednesday, July 20, 2005

Paghihintay

(BABALA: isa nanaman itong serye ng mga salitang naghahanap ng katuturan)

Lahat tayo may hinihintay...

ang estudyanteng pagod galing klase, naghihintay sa sundo
ang kasintahang galing sa trabaho, naghihitay sa nobyo para makipagdate
ang nanay at mga anak, naghihintay sa pagdating ni tatay, na may dalang ulam panghapunan
ang tinedyer na patambay-tambay, naghihintay sa matamis na tunog nang pagdating ng text message mula sa kanyang crush
ang magsasakang nagaantay umulan, para matubigan naman ang kanyang tanim
ang mangingisdang buong araw nasa dagat, naghihintay sa suwerteng magtitipon ng mga isda sa kanyang lambat
ang karaniwang maybahay naghihintay na matapos ang commercial para mapanuod na ang kanyang paboritong telenovela
ang batang gutom na naghihintay na matapos magluto si nanay, pagka't katatapos lamang nitong maglaba't huli na nagluto
ang asong nakakulong sa hawla sa isang pet store, naghihintay na may makyutan naman sa kanya't ampunin siya
ang dating kriminal sa preso, naghihintay sa kahit isang kapamilyang bisitahin man lang siya
ang kusinerang nagluluto ng palitaw, naghihintay na nakatitig sa kanyang kaldero sa pagahon ng kanyang lutuin
ang businessman na nakadekuwatro sa Starbucks, naghihintay sa kamiting niyang ilang oras nang late
ang lalakeng naghihintay na mayroong makilalang babaeng magpapatibok ng kanyang puso't handang pakisamahan siya habang buhay
etcetera, etcetera...

Minsan ang buhay sadya tayong pinaghihintay.
Dahil sa paghihintay, nararanasan natin muli kung paano ang mangailangan.
na ang pangangailangang ito ay bahagi ng ating pagkatao
na ang bawa't tao ay may kinalaman sa isa't isa.
na ang lahat ay may inaasahan, at ang bawa't isa ay siyang inaasahan rin.
na hindi natin kaya ang lahat, ngunit dahil sa Kanya, maaaring kayanin.

Sa totoo lang, nakakapagod maghintay, pero ok na rin,
Dahil kung walang paghihitay, walang kuwento.
Walang puwang na pupukaw sa atin nang ganito.

Wednesday, July 06, 2005

last 5 minutes

it's the last 5 minutes before 6.
just like my week, it seems like it has always been the "last 5 minutes", rushing from here to there, to do this or do that. Even sleep has become like these last 5 minutes, last few minutes to cram, wrap up...last 5 minutes of "toxic-ness"...

there goes the last 5 minutes. An unproductive 4-5 lines written.
I guess that's it. Time is up. bye bye to the last 5 minutes.